Saturday, July 26, 2003

Gimik ng Jobstreet.com

Nakatanggap ako ng sulat kahapon mula sa Jobstreet.com. Dali-dali kong binuksan yung sobre kasi akala ko ay interview notice. Pero naisip ko rin na kung interview notice nga iyon, bakit naman jobstreet pa ang magpapadala ng notice? Hindi naman ako aktibong naghahanap ng trabaho, nagkataon lang na nagsubscribe ako sa jobstreet.com, subok lang kumbaga. Kuntento pa naman ako sa trabaho ko ngayon eh. Nadismaya ako ng mabasa ko yung laman ng sobre. Special offer lang pala ng Philam Plans ! Job Shield daw, insurance in case of accident or permanent disability! Kaasar! Isip-isip ko, magkano kaya binebenta ng Jobstreet ang mailing list nila? Ni hindi pa nga man lang ako nakakatanggap ng interview invitation kung anu-ano na offer nyo sa akin!

******
Sa isang bahagi ng laot ng kabalintunaan ng buhay napadpad ang bangkang aking kinalulunanan. Isang malayong isla na ang mga tao'y di magkakakilala. Sa kabila ng isang di normal na buhay sa isang di normal na daigdig, ang saglit na pamamalagi ko sa nasabing isla ay naging makabuluhan. Natutunan kong tanganan ng mahigpit ang sagwan habang naglalakbay. Sabado ngayon! Sabado ngayon!, narinig kong sigaw ng kalangitan bago ako tuluyang lumisan. Bakit kaya di na lang lahat ng araw ay Sabado?


No comments:

Post a Comment