Sunday, November 02, 2003

Pasasalamat at Pangamba...

Natutuwa ako tuwing may nababasa akong bagong mensahe sa aking guestbook. Salamat sa inyong pagbisita at paglalaan ng oras para mag-iwan ng mensahe.

Ang liit talaga ng mundo. Si Adelina Ermino, na kasalalukuyang nasa London ay naligaw din sa aking website. Taga Gubat Sorsogon din sya, kababayan ng aking dakilang ina! Maliit lang ang bayan ng Gubat, kaya marahil ay kakilala pa nya ang aking Papay Manuel na isang iskulptor. Hindi ko pa nga lang alam kung pano sya naligaw sa aking website. Ganunpaman, maraming salamat sa iyo!

Ganun din kay Tatang Retong ng California, na nag blog pa tungkol sa Apol the Great's Journal. Kaya lang di nya iniwan email address nya at wala naman syang guestbook sa blog nya, di ko tuloy sya mapasalamatan. Sana ay mabasa nya pa ito. Maraming salamat Tatang Retong!

Naging maayos naman ang araw na ito. Maliban nga lang sa nararamdaman ko pa ring pangamba. Paano kung gusto ko pa ring tanganan ang sagwan upang magpatuloy sa pagsagwan subalit unti-unti namang nagpapakita ng senyales ang reyna ng karagatan na hindi ko na mararating ang aking patutunguhan? Paano kung ang lumang bangkang siyam na taon ng nasa laot ay muling maghari sa karagatan? Dapat siguro'y pag-aralan ko ng tanggapin ang aking kapalaran.

1 comment:

  1. Hi, matagal ko na hinahanap si Adelina Ermino, friend kase sya ng mother ko at matagal na silang hindi nagkikita at nagkakausap. Napadaan ako sa blog na ito at nagbabakasakaling may contact detail ka nya. pwede mo pala ako bisitahin sa blog ko kung mabasa mo ito. salamat uli ng madami. =)

    ReplyDelete