Monday, December 15, 2003

Journal vs Weblog

Isa ba akong diarist o isang blogger? Medyo napaisip akong bigla matapos kong basahin ito.

Mayroon na ring mga blog awards giving body dito sa Pinas, gaya ng Philippine Blog Awards at Philippine Weblog Awards. hindi mapipigilan ang pagsulpot ng mga ganitong patimpalak dahil kung bibisita kayo sa Rice Bowl Journal, makikita nyo na Pinoy ang pinakamaraming kasali dito.

Yun nga lang, karamihan naman ng mga kasali dito ay mga online diaries at hindi mga web logs. Hindi ba't isa itong kabalintunaan? Yan ay kung masyado tayong magiging teknikal.

Pero para sa akin, wala akong pakialam kung ano man ang tawag dito sa ginagawa ko. Ang mahalaga masaya ako at naipapahayag ko kung anuman ang nasa isip ko. hehehe!

No comments:

Post a Comment