Wednesday, December 17, 2003

Kris, Quiapo

Di ako nakapasok ngayon kasi masama ang pakiramdam ko. Noong linggo pa itong sipon ko hindi mawala, kaya napilitan akong magpahinga ngayon. Pero syempre, di pedeng di ako mag internet.

Nakita ko itong live journal kuno ni Kris Aquino, nakakaaliw basahin. Basahin nyo rin. Nga pala, mukhang magkakabalikan na sila ni Joey Marquez! Si Kris nga naman....Ewan!

Kelan ba kayo huling nagawi sa Quiapo? Basahin nyo itong article ni Conrado De Quiros at para na rin kayong nakapunta ng Quiapo. May gusto lang ako idagdag dito.

Sa Quiapo mo rin daw malalaman kung ikaw ay guwapo o hindi. Dumaan ka sa harap ng mga nagbebenta ng iba't ibang halamang gamot. Kapag may lumapit sayo at tinanong kang "Sir, pamparegla po ba?". Matuwa ka. Ibig sabihin nito ay iniisip nila na maaaring may kasintahan kang buntis. Pero kung ang banat sayo ay: "Sir, gayuma po ba?", aba ay manalamin ka ulit. Ibig kasi sabihin nito ay nandon ka sa Quiapo naghahanap ng paraan para magkaroon ng kasintahan! hehehe!

No comments:

Post a Comment