Friday, December 12, 2003

Maliit na daigdig

Nagulat ako kahapon ng may nag chat sa akin na hindi pamilyar ang yahoo! id. Sumagot naman ako, pero di na sya sumagot. Tapos kanina, pag bukas ko ng YM Messenger ko, may offline message pala ako. Galing don sa nag chat kahapon. Nagkataong online din sya, kaya ayun nagkausap din kami.

Nakakatuwa. Nag google search siya tungkol sa Gubat North Central Elementary School at napunta sya sa website ko. Doon din pala sya nag-aral ng Elementarya. At lalo syang naging interesado makipag usap sa akin dahil nanirahan din pala sya sa Cuenca, Batangas. Doon ako ipinanganak. At ang nakakatuwa sa lahat, Sophia din ang pangalan ng panganay nyang anak! Ang dami naming pagkakaugnayan!

At sa aming pag uusap kanina, lumalabas na yung nakababata nyang kapatid ay naging kaklase ko pa sa GNCES. Bigla tuloy nanariwa ang mga ala-ala ng aking kabataan sa Bicol- Ang Rizal Beach na ubod ng ganda, ang mga teachers ko, ang mga kaklase na halos hindi ko na matandaan ang mga pangalan.

Haaayy! Ang liit talaga ng mundo. Ang nagagawa nga naman ng internet...

No comments:

Post a Comment