Sunday, December 14, 2003

May matino pa kayang GMA?

Asar na asar ako. Ang aga ko gumising para abangan ang paborito kong Shaider, pero palpak na naman sa scheduling ang GMA7. Tuwang tuwa ako at nakita ko yung pataastas nila na bago ang Digital LG Quiz nila ay Shaider muna. Cartoon pa ang palabas ng mga oras na yun at wala pang alas nuwebe ng umaga. Huli ka! Mapapanood din kita! Sabi ko sa sarili ko. Kaya't laking dismaya ko ng pagkatapos ng palabas na cartoon ay Digital LG Quiz na agad ang sumunod. halos umiyak tuloy yung 6 na taong gulang na pinsan ni misis na nag-aabang din ng shaider. Kainis talaga.

Malamang maraming shiader fans din ang tulad kong nadismaya. Ganun ba talaga basta GMA?

No comments:

Post a Comment