Monday, December 15, 2003

Nahuli na si Saddam!

Naghahanap ako ng mapapanood kagabi nang mapadaan ako sa CNN Channel na nagkataong may coverage tungkol sa Pagkakahuli kay Saddam. Siyempre di ko na inilipat ng ibang channel, sabik na rin kasi ako sa balita tungkol kay Saddam! hehehe!

Napanood ko yung video ni Saddam habang sinusuri ng isang doktor. Kaawa-awa yung hitsura nya na medyo nakakatawa. Medyo natawa ako kasi naalala ko yung pelikula ni Charlie Sheen maraming taon na ang nakalilipas, yung Hot Shots 2. Sa nasabing pelikula ay gumanap si Jerry Haleva bilang Saddam Hussein na sa huli ay nagmukhang isang daga, na di nalalayo sa hitusra ni Saddam ng siya ay mahuli sa kanyang lungga kahapon.

Bagama't nahuli na si Saddam, di pa rin ito nangangahulugan na magkakaroon na ng katahimikan sa Iraq. Di na rin nito maibabalik ang mga buhay na nawala dahil sa gera ng US sa Iraq. Ang tanging tiyak lamang ay magiging sigurado na ang kontrol sa langis sa Gitnang Silangan ng mandarambong na Estados Unidos!

No comments:

Post a Comment