Saturday, December 13, 2003

Nakakagulat na FPJ

Nagulat ako sa ginawa kahapon ni FPJ. Inisnab nya yung mga negosyante pero pinaunlakan nya ang imbitasyon ng mga magsasaka at mangingisda! Hmmmm... mukhang masaya ito ah! Kahanga-hanga!

Dahil malaki naman talaga ang tsansa na manalo si FPJ, sana lang ay totoong maninindigan sya para sa interes ng mga aping sektor ng ating lipunan. Sana lang...

Hindi ko kasi maiwasang magduda sa kahihinatnan ng kanyang administrasyon lalo pa at ang komedyanteng si Toto Sotto ang laging nasa buntot nya.

O kayong mga ayaw kay FPJ, ano masasabi nyo?

No comments:

Post a Comment