Wednesday, December 24, 2003

Pasko ng mga pulitiko...

Nandito ako ngayon sa Pangasinan, kasama ang aking mag-ina. Dito kami magpapasko at sa bagong taon naman ay doon kami sa Batangas. Kanina lang ako dumating dito, kasi dumalo pa ako sa Christmas Party namin. Nakakatuwa kasi nanalo ng DVD Player sa aming raffle. Swerte nga siguro sa akin si Sophia, kasi sa loob ng 5 taong ko sa pinagtatrabahuhan ko ay ngayon lang ako nanalo!

Amoy na amoy na talaga ang pulitika sa mga panahong ito. Sa bus terminal kanina, nagsabit ang mga malalaking streamers na bumabati ng maligayang pasko at maayos na paglalakbay. Sinubukan kong bilangin ang makikita kong streamers na madadaanan ko kaya lang di pa ako nakakalabas ng Metro Manila ay nagsawa na ako sa kabibilang. Kanya kanyang pagpapakilala ang mga kakandidato sa darating na Mayo 2004!

Malaki rin siguro ginastos ng mga yun sa streamers na yun. Sana binigay na lang nila yun sa mga biktima ng pagguho ng lupa sa Leyte...

No comments:

Post a Comment