Saturday, January 10, 2004

Balimbing

Si Miriam ay nasa kampo na ni GMA.

Si Loren Legarda naman ngayon ay nasa kampo na ni Erap.

Ano ba itong nangyayari na sa Pilipinas? Paanong nasisikmura ni GMA na tanggapin si Miriam samantalang ang huli ay isa sa mga nangungunang kumuwestyon sa pagiging lehitimo ng kanyang pagkapangulo? Tandang tanda ko pa ang sabi ni Miriam sa harap ng mga tagasuporta ni Erap - "Gloria Tarantada!".

Ganundin si Loren. Malinaw naman na kaya umalis sa Lakas ay dahil alam niyang hindi siya ang pipiliing VP ni GMA. Pero sabi niya ay dahil daw yun sa prinsipyo. Ok! Eh bakit sa kampo ni Erap sya lumipat? Hanga pa naman sana ako kay Legarda dahil sa kanyang paninindigan hinggil sa Peace Talks at Human Rights. Kung sana ay sa kampo na lamang sya ni Roco lumipat, di sana nagbago ang impresyon ko sa kanya. Si Sen. Raul Roco lang ang nakikita kong matinong kandidato bilang pangulo ng Pilipinas!

Ito raw ay bahagi ng Reconcilliation sabi ni GMA...

Ito raw ay dahil sa prinsipyo sabi ni Legarda...

Gaano nyo man ito palamutian, malinaw pa rin na ito ay isang OPORTUNISMO! Mga balimbing!

No comments:

Post a Comment