Sunday, May 02, 2004

Badminton sa CCP Complex

Pumunta kami nila Pia kanina sa CCP Complex, para mag jogging at maglaro ng badminton kasama ang mga tropang ASMSI. At gaya ng dati, walang sandaling hindi kami nagkakatuwaan ng mga tropa. Payabangan habang naglalaro kahit na lahat naman kami ay baguhan pa lang sa paglalaro ng badminton, kwentuhang walang katapusan at asaran na buti naman at hindi nagkakapikunan. Si Pia naman ay nagpasikat sa kanyang otso-otso dance at beautiful eyes. Sabi nila ang kyut kyut daw ni Pia, kamukha ko daw. Ibig sabihin, kyut din ako. hehehe! (Sana wala ng kumontra).

No comments:

Post a Comment