Sunday, May 23, 2004

Hayup!


Photo courtesy of Karapatan-Bicol/ Bulatlat.com Photo courtesy of Karapatan-Bicol/ Bulatlat.com


Hindi mga taga Iraq ang mga batang ito. Hindi rin mga Kano ang pumtay sa kanila. Opo. Ang dalawang batang nasa larawan ay magkapatid na taga Bulan, Sorsogon, na walang awang pinagpapatay ng mga sundalong Pilipino. Punyeta! Kinakaltasan ang aking sweldo para sa buwis na napupunta sa sweldo ng mga swelduhang sundalong ito? Narito ang buong kwento.

'Yung pangatlong larawan naman po ay tiyak na kilala na ninyo. Ayaw kong isipin na tinatawan nya yung dalwang bata, pero 'di ko rin maisip kung ano kaya nararamdaman nya sa pangyayaring ito. May pananagutan din siya dito bilang commander-in-chief ng afp. May mangyari kaya sa kasong ito? Di na ako umaasa pa. Si Jovito Palparan nga na sinasabing berdugo ng Mindoro, ay nai-promote nya pa bilang Brigadier General sa kabila ng mga reklamong paglabag sa karapatang pantao. Buwisit talaga! Bwisit!

No comments:

Post a Comment