Friday, May 14, 2004

I'm thirsty!

Katatawag lang ng yaya ni Sophia. Di pa man sya nag-uumpisa sa kwento nya ay tawa na sya ng tawa. Akma nya raw susubuan si Pia ng meryendang lugaw, nang biglang sinabi ni Pia ang "I'm thirsty!". Nagulat daw sya at napatawa na lang. Pinainom nya nga si Pia at talaga naman daw ang daming nainom.

Tawa ako ng tawa sa kwento. Akalain mong english pa ang sinabi ni Pia! hehehe! Paulit-ulit kong tinanong kung di sya nagbibiro. Hindi daw. Malinaw daw ang pagkakasabi, at dalawa silang nakarinig.

Sayang at hindi ako mismo ang nakarinig. Posible nga kaya yun? Siyam na buwan pa lang kasi siya. Duda pa rin ako eh.

No comments:

Post a Comment