Thursday, June 03, 2004

Para kay "REM"

Nag-iwan ng message ang isang ngapakilalang REM sa aking shoutbox-
"bayan muna walang nagawa. boluk na partido. apol kilala kita, ayosin mo muna buhay mo bago bayan"

Noong una kong mabasa ito hindi ko na sana papatulan. Pero eto ako at ginawan ko pa ng entry. Katatapos lang kasi ng halos maghapon kong meeting sa opisina, naisip kong mainam na pangparelaks ng isip si REM.

Kilala nya raw ako at ayusin ko ang bohay ko. Una dito ay sinabi nyang bulok daw ang BAYAN MUNA. May dalawa akong teorya kung sino at ano ang nag-udyok kay REM na mag-iwan ng ganung mensahe.

Una, obyus na galit sya sa BAYAN MUNA. Maaaring napunta sya dito sa blog ko dahil ito sa pakikipagdebate ko doon sa mga taga akbayan. Maaari ding nag search siya tungkol sa Bayan Muna at napunta sya dito sa blog ko.

Pangalawa, medyo personal ang galit nya sa akin. Pero bakit? At kilala nya raw ako at "pinapayuhang" ayusin ko muna ang buhay ko bago ang bayan. Kung kilala nya ako, bakit hindi ko siya kilala? O hindi nya sinabi tunay na pangalan nya. Hindi man lang nag-iwan ng email address. Pero bakit? Ang tanging alam ko lang tuloy sa kanya ay sa Quezon City sya nag-internet at PLDT DSL ang internet connection nya. Kilala nya raw ako. Hehe! Eh ang kwento naman ng buhay ko ay nasa personal website ko, bukod pa dito sa blog na ito. Aling bahagi kaya ng buhay ko ang dapat kong ayusin? Huwag nyang sabihing si Sophia ko na ang galing-galing ng mag-beautiful eyes? Ok lang sya? Hmmm... palagay ko may kinalaman pa rin ito sa una kong teorya. Lumpenic ang style nya eh.

Heniweys, masyado na kitang nadi-dignify REM. Kaya lang naaawa ako sayo eh. Baka kasi may problema ka lang. Kung iniwan mo sana email address mo baka sakaling natulungan pa kita. O sya at may gagawin pa akong power point presentation para sa bagong projects na binigay sa akin ng boss ko. Sulat ka ulit ha?

Pahabol pala. Kung nananakot ka lang para tigilan ko na ang mga pagtuligsa sa mga di makamamamayang patakaran ni GMA at BUSH, sorry to disappoint you. YOU FAILED!

No comments:

Post a Comment