Wednesday, November 17, 2004

Traffic Sign

Ito yung traffic sign na paksa kanina sa "I saw the Sign" segment ng Unang Hirit, morning show ng GMA7. Sa segment na ito, nagtatanong si Love Añover sa mga drivers kung alam nila yung traffic sign na ipinapakita nya at ang nakakasagot ay binibigyan nya ng premyo. Sa dalawang drivers na natanong kanina, isa lang ang nakasagot. Nagkataong may nakasalubong ni Love yung isang MMDA traffic enforcer kaya tinanong nya na rin ito. Di rin alam ng mamang traffic enforcer ang sagot!

Oo na, alam ko, di na ito bago para ikagulat pa. Nakakainis lang kasi yung ibang mga traffic enforcers na gaya nung mamang yun eh. Wala syang karapatang mangotong magpatupad ng batas kung simpleng mga traffic signs lang ay di nya alam.

Sa totoo lang, di ko rin naman alam yung sign na yun eh. Pero ngayon alam ko na. hehe!

Ano kaya masasabi dito ni Bayani Fernando?

No comments:

Post a Comment