Tuesday, January 04, 2005

Muni-muni para sa taong 2005...

Bago nagtapos ang taong 2004 ay kumuha muna ako ng passport. Ito ay bilang paghahanda sa plano kong paghahanap ng kapalaran sa ibang bansa. Pero bago din magtapos ang taong ito ay tila nagkaroon ng liwanag ang aking hinaharap dito sa opis. Hindi pa naman tiyak pero mukhang may magandang naghihintay para sa akin dito sa group of companies na pinagtatranahuhan ko. Nagpaalam akong sumama sa mga ire-retrench pero di naman ako pinayagan. Pwede raw ako palipat sa ibang trabaho o kaya naman ay maghinytay sa mga maaaring mangyari sa first quarter ng 2005. May bagong pwesto/opis/bisnes center na bubuksan sa Makati. Mag-usap daw kami ni bossing pag dating nya...

Grabe, pitong taon na pala ako dito! Nagsimula ako bilang accounting clerk, naging junior accountant at hanggang sa naging treasury officer para sa buong group. At dahil sa bahagi ng grupong ito yung isang consulting firm for canada immigration, natutunan ko ang proseso at naging part-time consultant ako para dito. At nung nagtayo ng lending company ang grupo 4 years ago, ako yung naging Project/Operations Head. At nitong last quarter naman ng 2004 ay nagpalipat ako ng trabaho para maiba naman. Ang nangyari, naging marketing and entertainment manager ako ng isang resto bar. hehe! Enjoy naman ako sa trabaho kong ito pero lately parang pakiramdam ko ay walang career growth dito. Basta ganun, parang may kulang...

Nandito na bossing ko, pero di pa rin kami nag-uusap. Aba! dapat bago sya umalis sa Sabado ay makasingit na ako sa schedule nya. Malapit na ang jan 15, baka sakaling magka increase ako. wish ko lang...

Hmmm... ano kaya naghihintay para sa akin sa taong 2005? Bago matapos ang linggong ito may malinaw nang direksyon ang buhay ko para sa taong 2005, pramis!

No comments:

Post a Comment