Saturday, January 08, 2005

Pang Starstruck daw!


Wow! Pang starstruck ang dating ah!
Komento ng isa kong kasamahan sa trabaho nang makita nya yung picture na ito ni Pia. Pwede ko raw isali sa starstruck kids o kaya ay sa SCQ. Naalala ko tuloy yung blog entry ko tungkol dito last year. Ganda nga ng diskusyon namin dito nila Ate Sienna at Ate Jet. Kaya lang nang balikan ko yung entry, wala na yung mga comments. Ganun talaga eh, free lang kasi yung account ko sa haloscan. hehe!

Teka lang, lumalayo ako. Hinding-hindi ko talaga isasali si Pia ko sa mga ganung uri ng contests kasi nga ang tingin ko dito ay pagsasamantala sa mga bata. Kaya nga hindi bagay sa ABS-CBN ang pagkakaroon ng programang Bantay Bata 163 kasi nga mayroon din silang SCQ Kids Quest na nagsasamantala sa mga bata. Ano yun? Tumutulong ka sa mga inabusong bata samantalang may programa ka ring nagsasamantala sa mga bata? Labo!

Pero syempre ibang usapin na kung may sarili nang pag-iisip si Pia at siya na mismo ang magpasya na sumali sa mga ganitong contests. Ano nga kaya kung maging artista ang anak ko? hehe! Pero mas matutuwa ako kung pagtutuunan nya ng pansin ang pagsusuri sa ating lipunan, kung bakit may mahirap at mayaman, bakit may pagsasamantala, at kung paano ito maaayos...

No comments:

Post a Comment