Saturday, February 19, 2005

Normal po ba ako, Inay?

Kanina, dinala ko yung mga labahan ko dun sa malapit na laundry and dry cleaning service sa apartment na inuupahan ko. Binayaran ko ng buo yung dapat kong bayaran. Pero nung iniabot sa akin yung claim slip, ganito yung nakalagay sa payment portion:
Total Amount:---P 108.00
Deposit:
Amount Due:----P 108.00

Syempre tinanong ko kung bakit may amount due pa rin na P 108.00 samantalang bayad ko na nga lahat. Kinuha sa akin yung claim slip at tinitigan ng matagal tapos ibinalik ulit sa akin. Tatawa-tawa pang sinabi sa akin na ganun daw talaga yung ginagawa nila. Pakiramdam ko nag'y takang-taka pa sya kung bakit ko pa yun pinupuna. Kaya naman medyo nainis ako kasi nga parang ako pa yung lumalabas na engot eh. Sabi ko sa kanya, 'lam mo kung naiintindihan mo yung forms nyo, hindi ganyan ang ilalagay mo. Ipinaliwanag ko pa yung ibig sabihin nung nasa form. Dahil yun na nga siguro ang nakasanayan nya, hirap nya pa ring tanggapin yung sinasabi ko. Pero bandang huli napilitan na rin syang gawin yung gusto kong gawin nya. Bahala na sya kung ano gusto nya isipin sa akin pero di ko talaga maiwasang punahin yun eh.

Malimit akong makaranas ng mga ganitong kahalintulad na insidente at tuwinang pupunahin ko yun, para bang ako lagi yung hinid normal. Tingin ko naman ay hindi nila ako sisingilin ulit kahit na may amount due pa rin sa claim slip, batay na rin sa sinasabi nung kausap ko. Pero ewan ko ba, kahit maliliit na bagay kasi kapag alam kong mali, di ko kasi pinalalampas eh. Hindi nga siguro ako normal.

No comments:

Post a Comment