Thursday, June 02, 2005

The Edgar Eniego Story

Mula sa yahoogroup ng mga schoolmate ko noong high school-
Hello Guys watch kayo ng Magpakailanman sa GMA Channel 7 mmyang gabi that is June 2 thursday, the life of Edgar Eniego will be highlighted, alam nyo si Edgar is our batchmate, classmate namin ni Apol and kadormate ko pa sa St. Ambrose, matalino sya at magaling, talaga lang siguro dahil sa kahirapan at kawalan ng malalapitan kaya nya nagawa ang isang pagkakamali na pinagsisihan nya nman ngayon at alam natin na nalampasan na nya at bagong buhay na ang kinakaharap nya sa ngayon. Sana ay muli syang makabangon at magpatuloy iyon hanggang sa magtagumpay, tulungan sana natin ang mga graduates na lubog sa problema at kahirapan. At ang iba naman na nangangailangan wag sana mahiyang lumapit, makakagawa naman tayo ng mabuting solusyon sa lahat ng klaseng problema. Tulungan natin si Edgar at ang mga katulad ni Edgar na nangangailangan lalo na ang mga taga SOM.


Hindi ako nanonood ng Magpakailanman, pero mamayang gabi ay panonoorin ko ang kwento ni Edgar Eniego.

Classmate ko sya mula 2nd year hanggang 4th year high school. May nakapagkwento na sa akin ng nangyari sa kanya dati, pero hindi naman ako agad naniwala kasi nga walang makapag-confirm kung totoo nga yun. Pero mukhang totoo nga. Nakulong pala syang talaga. Isa sya sa mga magagaling sa klase. Kaya hindi ko inakala na mangyayari ito sa kanya. Pero anuman ang nangyari sa kanya, ang mahalaga ay nalampasan nya na iyon at ngayon may direksyon na ang buhay nya.

Hindi pa kasi sya nagreregister sa alumni website namin kaya di ko pa alam kung saan sya makokontak. Pero sana magkita ulit kami ni Edgar.

No comments:

Post a Comment