Sunday, July 17, 2005

Gaano kabigat ang dahilan?

Gaano kabigat ang dahilan para maging isang estrangehero para sa'yo ang isang tao na dati'y halos pagsaluhan nyo ang lahat-lahat?

Gaano kabigat ang dahilan para hangarin ang kamatayan ng isang tao na dati-rati ay naipapasa mo pa sa bibig nya yung matamis na kendi mula sayong bibig.

Gaano kabigat ang dahilan para di na kayo mag-unawaan samantalang dati'y konting kilos lang ay alam nyo na ang ibig sabihin ng isa't-isa?

Gaano kabigat ang dahilan para kasuklaman ang isang tao na dati'y kasabay mong naghabi ng mga pangarap habang nagbibilang ng bituin sa alapaap?

Wala lang, nagtatanong lang naman ako.

No comments:

Post a Comment