Monday, July 11, 2005

Gimik sa Cafe Adriatoco (by the Bay)

Nagkita-kita kami kahapon nila Joy at Raki, mga kasama ko sa 'kilusang lay low'. Huli kaming nagkita-kita ay noong November 2004 pa, pare-pareho na kasi kaming busy sa trabaho.. Sila yung mga kasama kong nagtayo ng Samasa Party sa iskul noon. At dahil haslo sunod-sunod naman ang ,ga bertdays namin, celebration na rin namin ang pagkikita naming tatlo. Kaya KKB kami sa Cafe Adriatico sa Baywalk.

Syempre kumustahan, kwentuhan at tawanan habang nakikinig sa Live Acoustic Music ng Pillow Case. Namukhaan ako ng gitarista nila kasi nagperform na rin sila dati sa Mediahub Cafe (lilipat na sa makati). Malaki na ang improvement nila at malaking bagay yung nagdagdag sila ng isa pang female vocalist. Sa bubuksan naming restobar sa Makati, malamang ay bigyan ko sila ng schedule.

Hahabol sana yung isa pa naming kaibigan kaya lang huli na nang masabihan namin sya. Community organizer kasi sya at medyo abala sa kanyang gawain. Nahihiya ring sumunod sa amin dahil daw sa bihis nya. Nagtext na lang sya, habang nagpapakasaya daw kami, alalahanin namin na maraming masa ang naghihikahos. Pabiro yung text nya na sinagot ko naman ng 'Asus! Ilang kanto na ba ang nadaanan mo ngayon na ang masang sinasabi mo ay tumutoma ng gin kundi man red horse?'. hehe! hindi na ulit sya sumagot.

No comments:

Post a Comment