Tuesday, July 26, 2005

Malapit na ang birthday ni Pia!

Bertday na ni Pia sa Biyernes pero sa Saturday na gagawin ang celebration at sa Pangasinan ang celebration. Sabi ni misis kulang daw yung budget na binigay ko. Sabi ko naman eh di bawasan mo ang bisita. hehe!

Kaya uuwi ako ngayong Sabado at sa Martes na ulit ako papasok. Excited na daw yung mga tao doon sa birthday ni Pia. May sumagot ng cake, balloons at kung anu-ano pa. Sana magpatay din sila ng pabo pangpulutan. Ang dami kasi nilang alagang pabo sa pangasinan at malimit na gawing pulutan tuwing may okasyon. Tuwang-tuwa din si Pia sa mga pabo, hindi bilang pulutan syempre. Gustong-gusto nya makipagkulitan sa mga pabo.



Excited na rin ako! Isang buwan ko nang di nakikita si Pia eh. Hindi kasi kaya ng budget ko yung weekly umuwi at isa pa ay nakakapagod din namang ang halos limang oras na biyahe. Sana matuloy na yung mga plano ko for next year para araw-araw ko na nakikita si Pia. Hmm... sasabihin ko kay Pia yun na lang yung birtday wish nya. Pwede kaya yun? Parang naririnig ko na yung sagot ng isa kongm kaibigan - umayos ka! dapat siyentipiko ka mag-isip at bumatay ka sa kongretong kalagayan, hindi sa kapalaran! hehe! sige na nga...

No comments:

Post a Comment