Wednesday, August 03, 2005

Manloloko ka!

Malalim na ang nahuhukay ko para pagbaunan ng basket na iniwan mo, subalit di pa rin ako tumitigil. Sampung ulit na lalim pa ang kailangan para sa mga sutil na ala-alang nagbibigay ligalig sa akin simula nang buksan ko ang basket na akala ko'y may lamang puto. Laking gulat ko na lamang nang ang aking masilayan ay isang tumpok na kutsinta. Manloloko ka!

Sige, ipagmalaki mong ikaw ay sasakay sa eroplano papunta sa disyerto para makainom ng paboritong gatas. Sige doon ka na lang magkalat at huwag dito sa kung saan aasngaw pa at maaamoy ko ang ubod ng baho mong hininga.

Hahayaan ko na lang na ang kasaysayan ang humusga sa mga mangyayari mula sa araw na ito. Samantala, patulo'y kong hahanapin ang nawawalang puto na dapat sana'y nasa loob pa ng basket. Malas talaga, malas!

Huwag na sanang magkrus pa ang ating mga landas.....

No comments:

Post a Comment