Wednesday, August 03, 2005

Miss ko na si Pia

Hindi pa rin ako makapagtrabaho ng mabuti. Nakakainis. Hindi kasi mawala sa isip ko yung manloloko na yun eh. Buwisit talaga.

Maya't-maya ko na lang tinitingnan yung mga pictures ni Pia na kinuha ko last week nang umuwi ako sa Pangasinan. Nakakatuwa talaga sya, ang kulit.

* Kapag may hawak na celfon, mapalaruan nya man o tunay na celfon, ilalagay nya ito sa tapat ng tenga nya at sasabihing: Hello Garci? hehe! Hindi ko alam kung may nagturo ba sa kanya nito o naririnig nya lang sa paligid nya. Minsan nga kausap ko sya sa celfon sabi ba naman, Dadi, la ako load! hehe!

* Minsan yuyuko sya at dahang-dahan lalakad. Tapos tatawagin nya ako, Dadi, kampanera kuba.

* Kapag lilitratuhan ko sya, sasabihin nya naman ay Say Cheese! hehe!

May kaunting handaan sa 2nd birthday nya, karamihan ng handa ay mga donated by ng kamag-anak ni Misis. hehe! Gabi na ako dumating kaya hindi ko na inabutan yung handaan, pero syempre umabot naman ako sa inuman at sa pulutang kalderetang pabo!

At noong linggo ay pumunta kami sa Manaoag Church para makipaghabulan kay Pia sa labas ng simbahan magsimba. Grabe, napagod ako sa kahahabol kay Pia. Pero enjoy ako syempre. Nagpabili pa nga sya ng lobo. Sabi ko sa kanya pagkain na lang bilhin namin at huwag lobo. I want balloon, sabi nya. Eh di balloon! hehe!



Haaayy... parang gusto ko na uling bumalik ng Pangasinan!

No comments:

Post a Comment