Saturday, August 06, 2005

MMDA traffic enforcers' free food benefits

Kumain kami kanina ng pinsan ko sa isang Pares sa may MIA Road. Saktong paalis na yung mga MMDA boys nang dumating kami. Kakamot-kamot ng ulo yung isang waitress at napabulong ng bahagya, Ang kakapal talaga ng mukha.. Agad kong naintindihan yung nangyari. Hindi nagbayad yung mga MMDA boys!

Malayo na yung mga dahupang na MMDA boys, pinag-uusapan pa rin nial yung hindi pagbabayad ng mga MMDA boys. Sumabat ako, sabi ko, Hindi nyo yata siningil eh, baka akala libre? Natawa na lang yung waitress. Tapos inalok ko yung waitress, gusto mo singilin ko tapos hati kami sa masisingil ko. hehe! Sabi nya halos weekly daw sila kumakain sa kanila. Ang nagbabayad daw ng kinakain nila eh yugn mga dispatchers ng FX/Jeep sa may tapat. Nagkatawanan kami ng pinsan ko. Halos sabay kaming nagkomento, nagbabayad naman pala?!

Simpleng MMDA traffic enforcer ganun na kung makaasta, eh paano pa kaya yung mga pulis na may baril? yung mga nandoon sa kongreso? sa senado? at sa malacaƱang?

Oo na alam ko, hindi na naman ito bago sa Pilipinas. Wala lang, nakakaasar lang!

No comments:

Post a Comment