Friday, August 19, 2005

My two minutes...

Natawa ako sa text ng Ate ko. Nakita nya raw ako sa TV Patrol at ang kintab daw ng noo ko. Kung nanood kayo ng tv patrol kanina at may nakita kayong mama na makintab ang noo na nagpapaliwanag ng proseso tungkol sa pag-a-apply ng permanent resident visa sa Canada, ako po iyon. hehe!

Kaninang umaga kasi habang may kausap akong kliyente, dumating yung crew ng abs-cbn kasama yung reporter na si Mariton Pacheco yata yun. Ininterview nya yung isa naming senior consultant para sa kanyang story tungkol nga sa canada.

Sir, bakit po may camera man ang abs-cbn at kinukuhanan tayo?

Nasa bandang tagiliran ko pala yung camera man at hindi ko namalayang kinukunan na pala kami. Lumingon ako at medyo nagulat syempre pero hindi naman masyado. Kaya lang nawala ako sa konsentrasyon syempre.

Ngumiti na lang kayo, tapos abangan nyo mamaya sa TV Patrol. Pabiro ko namang sagot kahit na hindi ko tiyak kung para saan nga iyon.

Pero normal na naman na may pumupuntang reporter sa opisina namin tuwing may story sila about canadian immigration. 16 yeras in business and the biggest in the industry yata kami. naks!

Ang lakas daw ng sigawan nila sa bahay kanina nang makita ako sa TV. hahaha!

No comments:

Post a Comment