Sunday, August 07, 2005

Nawawalang Diwata

Madilim na gabi'y di niya alintana. Masangsang na amoy ay di nya rin iniinda. Pagka't alam niyang lahat ng ito'y saglit na mawawala sa isang kumpas lamang ng mahiwagang diwata.

Diwatang naging gabay niya sa maikling panahon. Nagbigay liwanag sa madilim na daan at nagbigay halimuyak sa masangsang na paligid. Diwatang biglang naglaho at walang nakatatanto kung kailan muling magbabalik.

Ganunpaman, habangbuhay niyang yayakapin ang mga ang ala-alang iniwan na binuo habang kapwa binabaybay ang mahabang moog na pader na kinukububawan ng mga mapaglarong ulap at mga bituin. Wala na ang liwanag at halimuyak, subalit nananatili pa rin ang pag-asang darating din ang umaga at muli silang magkikita bukas.

No comments:

Post a Comment