Saturday, August 06, 2005

Paalam, Sen. Roco...

Hindi ko na matandaan yung eksaktong sinabi ni Mao tungkol sa kamatayan. Ang natatandaan ko lang, sabi nay ay may dalawang uri raw ng kamatayan. Ang kamatayan ng mga naglilingkod sa mga mapagsamantala ay kasing gaan lang ng balahibo ng ibon. At ang kamtayan ng naglilingkod sa masa ay kasing bigat ng isang bundok. Hindi ko na matandaan kung anong bundok yung ginamit nya. Basta ganun!

Para sa akin, maaaring ituring na kasing bigat ng bundok ang kanyang pagkamatay. Hindi ito kasinggaan lamang ng balahibo ng ibon. Nakakalungkot. Sayang. Sya ang ibinoto ko noong nakaraang eleksyon. Sayang at hindi sya nagkaroon ng pagkakataong pamunuan ang ating bansa.

Samantala, may kumakalat ngayong text message, pinag-iingat si Lacson kasi una daw ay si FPJ. Tapos ay si Roco nga ang sumunod. Baka raw ang sumunod ay si Lacson. Mga Pilipino nga naman, halos lahat na lang ng bagay ay nagagawang biro.

Nakikiramay ako sa mga naiwan ni Sen. Roco.

No comments:

Post a Comment