Wednesday, September 28, 2005

Crossroads

May mahabang bakasyon sa last week ng October at maraming akong naka line up na activities. Bago matapos ang first week ng October kailangan nakapagdecide na ako.

1. Palawan Trip (October 28 - Nov. 2). Kasama ang mga high-school friends. Naghihintay sa Puerto Princesa yung Palawan Chapter ng High School Alumni Association namin. Sila daw ang bahala sa mga papasyalan namin. Tamang-tama naman ni may isang beach resort ang Tita ni Kuya Alex kaya doon na lang kami tutuloy.

Ang problema, mukhang kakaunti lang ang matutuloy. Baka nga dalawa na lang kami ni Kuya Alex. Kung magkaganunman, isasama ko na lang ang mag-ina ko. Yun ay kung hindi bilog ang buwan at walang sumpong si kumander. Eto rin kasi yung pinakamalaki ang gastos sa mga pinagpipilian kong activities, na nagkataong pinaka-unang naplano. Bahala na.

2. Mt. Fami Climb (October 29-31, 2005). Activity naman ng Mountaineering Club namin na karamihan ay mga high school friends din. Alternative activity ito para sa mga di makakasama sa Palawan.

3. Blogkadahan EB (October 30 yata). Dadating si Sachicko from Japan. Tradisyon na sa blogkadahan ang EB tuwing may dumarating na balikbayan berks. Hindi ko pa alam yung detalye, pero kung matutuloy ako sa Palawana o sa Mt. Fami, mukhang di ko ako makakasama dito.

hmmmm.. sa Palawan, may option na makasama sina Pia. Sa Mt. Fami ay imposible namang maisam ko si Pia. Kung huwag na lang kaya ako pumunta sa Palawan at Mt Fami?

Kainis!

No comments:

Post a Comment