Thursday, October 27, 2005

Miss, sa'yo lahat yan?

Kahapon habang papatawid ako sa kulay pink na footbridge malapit sa opisina, di ko naiwasang matawa doon sa nasaksihan ko.

Nasa unahan ko kasi yung mga barkadahan ng mga construction workers (batay sa kanilang porma at mga gamit na dala). Malapit na kami sa hagdan pababa ng may nakasalubong kaming magandang dilag na namumutok yugn dibdib sa kanyang bady fit na t-shirt. Ipokrito ako kung sasabihin kong di natawag ang pansin ko doon. Pero hanggang doon lang ako talaga. Hanggang tingin lang. hehe!

Pero yung isang mama, di siguro nakapagpigil o likas talagang bastos, bigla ba namang tinaong yung babae:

"Miss, sa'yo lahat yan?"

Yung babae naman ay biglang napatingin sa dibdib nya at tila iniisip kung ano yung tinutukoy nung mama. At nang suguro'y mapagtatnto na yung boobs nya yugn tinutukoy ng mama ay bigla syang lumakad ng mabilis.

Habang nagtatawanan yung grupo ng mga mamang yun, medyo natawa din ako. Konti lang. Kasi naisip ko rin na mali yung ginawa ng bastos na mamang yun. Kaya lang, wala naman ako magagawa. Alangan namang sitahin ko yung mama. Eh di inumbag ako ng mga yun.

Pero kapag naiisip ko yung tinanong ng mama na yun, di ko pa rin talaga maiwasang matawa. Nang ikinuwento ko nga ito sa kaibigan ko, tawa sya ng tawa. Classic daw. hehe!

No comments:

Post a Comment