Monday, November 14, 2005

Daddy, madami ka ba pera?

Nasa airport ako kaninang umaga, lumuwas kasi ang aking mag-ina para sumama sa paghatid sa kapatid nya na makikipagsapalaran sa Greece. Bihira kasi silang lumuwas kaya sumama sa rin ako.

2 1/2 yeras old na si Pia ko, medyo payat pa rin pero cute naman na katulad ko. May pagkamadaldal na rin sya tulad ng mommy nya kaya nakakatuwa. At dahil halos doon na sya tumira sa Pia Bytes Computer Center, kabisado nya na ang basic parts ng computer. Marunong na rin syang magbilang at malapit nya na makabisado ang alphabet song.

Kanina habang akay-akay ko syang naglilibot sa airport, bigla nya ako tinanong.

Daddy, madami ka ba pera?

Bagatma't nagulat ako sa tanong, sinagot ko naman agad.

Konti lang anak eh.

Konti lang pera mo?

Opo. Pero kahit konti lang pera ko, masaya ako kasi nandyan ka.

At matapos ko yun sabihin ay huminto ako sa paglalakad at niyakap ko si Pia sabay kiss sa kanya. Hinalikan nya rin ako at niyakap pa ako nang mahigpit.


I love you Pia!


Love you Daddy!

At nagpatuloy kami sa paglalakad-lakad habang iniisip ko pa rin kung bakit naisipan nyang itanong yun. Medyo nababahala ako sa itinanong na yun ni Pia. Para kasing napakabata nya pa para maging isyu ang pera. Sinubukan ko rin kasi syang tanungin kung bakit nya yun tinanong, ang sagot nya naman ay, "Si mommy madami pera." Sinubukan ko ring tanungin si misis kung bakit kaya naitanong iyon ni Pia, umaasang masasagot nya kasi sya ang araw-araw kasama eh. Malay ko! ang napakalambing na sagot nya. hehe! Buhay nga naman.

1 comment:

  1. Siguro may nagsabi kay Pia girl na madami pera ang daddy nya.... hehe.

    ako din konti ng pera.. huhuhu.

    perstaym lang po ako dito.. hello po.

    Mingkoy.

    ReplyDelete