Friday, November 18, 2005

For after all, the best thing one can do when it's raining is to let it rain

Hindi madaling tanggapin ang mga pangyayari sa buhay ng isang tao na hindi naaayon sa kanyang kagustuhan. Kadalasan pa nga'y kung kani-kanino pa ito isinisi para lang kahit paano'y pagtakpan ang pait na nararamdaman. Pero kapag ganito ang ginawa natin at hindi pag-aralang tanggapin ang mga bagay-bagay na ito, mas lalong magiging mabigat at ating mga dalahin. Sabi nga nila, gaano man kalakas ang ulan o bagyong dumaan sa buhay, titila din naman ito. Kadalasan pa nag'y may iiwan pa itong bahag-hari.

Sana tumila na ang ulan, kahit walang bahag-hari.

No comments:

Post a Comment