Saturday, April 01, 2006

Bagong Apolonio

Ngayon ang simula ng 2nd quarter ng taong 2006. Ang bilis talaga ng panahon. Ilang buwan na lang mula ngyaon ay 30 years old na ako. Sa loob ng 30 taon, parang wala pa akong masabing accomplishments. This is not good, I know. Kailangang sulitin ko ang natitirang 3 buwan bago ako maging ganap na 30 years old. Tatlong buwan. hehe! Ano naman kaya ang magagawa ko sa maikling panahong ito?

Hindi na maganda ang nangyayari sa aking career, kugn career nga itong matatawag. Marami akong magandang dahilan kung bakit nagkaganito ako pero niloloko ko lang ang sarili ko kung paniniwalaan ko ito. Ang daming oportunidad pero pinalalampas ko. Ewan ko ba. Tamad kasi ako at walang gana kumilos. Wala sa focus. Dapat mabago ko ito.

Parang wala akong malinaw na direksyon ngayon. Hindi ko alam kung alin ang uunahin kaya kadalasn yugn mga di dapat ang sya kong nagagawa. Kulang ako sa disiplina.

Simula ngayong araw na ito, dapat isang bagong Apolonio na ako. Sana'y hindi pa huli ang lahat.

No comments:

Post a Comment