Saturday, June 24, 2006

Magpulot sa Mt. Maculot 2

Mount Maculot is a 600-meter high volcanic rock wall situated in Cuenca, Batangas.

The "Rockies", located at the northern edge of the mountain, offers a stunning view of the lake and the volcano.

It is home to a number of species, flora and fauna, and to the locals of Cuenca.

The lake surrounding the mountain is a source of livelihood and channel of transportation.

The impact of wastes that will endanger life within the vicinity is very crucial thus, the call for an environmental protection from various sectors.

In line with this, Outdoor Addicts, in cooperation with other mountaineering groups, will be having a "Mass Clean-up" climb in Mount Maculot this coming July 1-2, 2006. We are calling all concern group or individuals in this 2-day climb-for-a-cause dubbed as "Magpulot sa Maculot 2" that will promote not just Responsible Mountaineering but Environmental Awareness as well.[Outdoor Addicts]

Sasama ang ASMSi Mountaineers dito, syempre. Kunggusto nyo rin po sumama, nandito po ang karagdang impormasyon.

Monday, June 19, 2006

Happy father's day to me!

Galing ako sa Pangasinan kahapon, balikan lang ako. 1:00 am ako umalis ng manila at 4:00 pm ay nakasakay na ako ng bus pabalik ng Manila. Pero sulit naman ang pagod, syempre. Labing isang oras ko nakasama si Pia! Happy father's day to me! But not that happy. Ang payat pa rin ni Pia. Haay.. kung pwede ko lang sana basta na lang kunin si Pia at iuwi sa amin para maalagaan ng maayos, nagawa ko na. Kaya lang di naman pwede. Kailangan ko pa ngang makipagpatintero para lang makita si Pia eh. Konti na lang talaga, konti na lang...

Many thanks sa mga nagtext at bumati!

Saturday, June 17, 2006

Misplaced priority

In a move tantamount to a declaration of war, President Macapagal-Arroyo yesterday committed billions of pesos in funds to fight the 37-year-old communist insurgency with guns and development projects.

MalacaƱang officials indicated their timetable called for defeating the insurgency in the “critical areas” in one to two years.

The earlier military timetable for stamping out the insurgency within 10 years was “too long,” Ms Arroyo said in a visit to Isabela province, where she held the first of four meetings with regional leaders to discuss so-called “mega-development plans.” [inq7.net]

Uhm... wala na nga sigurong kakulangan sa mga classrooms kaya ganun kalaki na lang ang inilalaan para sa mga gamit pangmilitar? Haaayy..

Tuesday, June 13, 2006

Soldiers on Killing Rampage in Nueva Ecija

Walking home from church, Pastor Andy Pawican was carrying his months-old child when accosted by soldiers. Still holding his child, Andy went with them. Gunshots were later heard, after which the soldiers took the child to Andy's wife. In a later meeting with the villagers, the soldiers admitted that they killed Andy whom they accused of being a rebel. They warned the people that the same fate would befall them if they do not cooperate with the soldiers.

Hindi po iyan halaw sa isang nobela o isang pelikula. Nangyari yan sa Nueva Ecija nitong nakaraang May 21 lang ayon sa bulatlat.com.

Narito ang buong kwento: Soldiers on Killing Rampage in Nueva Ecija

Kakagigil.

Kitakits ulit tayo!

Father's day na pala sa Sunday. Sana magkita kami ni Pia. Haayy... makikipagpatintero na naman ako sa Lingo para lang makasama si Pia...

Huli kasi kaming nagkita ay noon pang May 25. Maghapon kaming magkasama at talaga namang nag-enjoy kami pareho. Muntik ko pa nga syang hindi maisama sa pamamasyal kasi ayaw pumayag ng kasama nila sa bahay. May bilin daw kasi ang kanyang mommy na hindi pwedeng pasamahin si Pia sa akin. Luffet. Syempre, di naman ubra sa akin ang ganun. Buti na lang at nakuha sila sa pakiusap. Kala ko talaga kailangan pa naming humantong sa barangay. Pero kakainis pa rin. Kailangan ko pa talagang makiusap para maisama si pia sa pamamasyal at sa pamimili ng mga kailangan nya. Kainis.

Nasa Pangasinan daw ngayon si Pia ayon sa aking source. Pupunta ako doon. Bahala na si Batman.

Tuesday, June 06, 2006

Gulugod Baboy


Ito ang Gulugod Baboy (pero mas mukha syang puson ng kapitbahay namin dati sa Paranaque). Matatagpuan ito sa Anilao/Mabini Batangas. Mula sa tuktok nito ay matatanaw din ang iba't-ibang bundok gaya ng Mt. Makulot, Mt. Manabo at iba pa. Tanaw din mula dito ang Isla ng Mindoro at ang nagkikislapang ilaw mula sa Batangas City. Nakakatuwa dito dahil ang lawak talaga ng camp site.


Nagkape ako dito noong Linggo ng umaga, kasama ang mga kaibigan mula sa ASMSi.=)


Masaya ang naging lakad naming ito. Sa bus pa lang papuntang Batangas ay nag-umpisa na ang kulitan. Lahat ay sabik sa camera na para bang mga adik na. haha!


Nananghalian muna kami sa Mabini Publik Market bago tuluyang tumulak papuntang Brgy Gasang. Namalengke na rin kami ng mga lulutuin para sa hapunan at agahan.


Matapos mananghalian ay tumulak na kami papuntang Brgy Gasang na kung saan nagluto kami ng ulam para sa hapunan - adobong mamoy (manok at baboy). May mga kamag-anak dito ang isa naming kasama kaya tumambay muna kami dito at nagpakyut.


4 pm na nang umalis kami sa Brgy Gasang. Sumakay kami ng jeep hanggang Brgy. Malimatok at mula doon ay inumpisahan na namang akyatin lakarin hanggang camp site. Malayo-layo rin yun kung lalakarin namin mula Brgy. Gasang.


Malapit nang lumubog ang araw nang makarating kami sa tuktok. KUgn hindi dahil sa kapal ng ulap, napagmasdan sana naman ang paglubog ng araw. Medyo malamig sa taas, pero hindi kasing-lamig gaya ng sa Mt. Makulot.


Matapos mag-almusal, bumaba agad kami pabalik sa Brgy. Gasang. Nagplanong pumunta sa Sombrero Isaland pero bandang huli ay napagpasyahang doon na lang sa malapit na beach maligo, bago umuwi ng Manila.

Hindi man nasunod ang itinerary namin, naging masaya pa rin naman sa kabuuan. Hanggang sa muling pag-akyat...