Tuesday, June 13, 2006

Kitakits ulit tayo!

Father's day na pala sa Sunday. Sana magkita kami ni Pia. Haayy... makikipagpatintero na naman ako sa Lingo para lang makasama si Pia...

Huli kasi kaming nagkita ay noon pang May 25. Maghapon kaming magkasama at talaga namang nag-enjoy kami pareho. Muntik ko pa nga syang hindi maisama sa pamamasyal kasi ayaw pumayag ng kasama nila sa bahay. May bilin daw kasi ang kanyang mommy na hindi pwedeng pasamahin si Pia sa akin. Luffet. Syempre, di naman ubra sa akin ang ganun. Buti na lang at nakuha sila sa pakiusap. Kala ko talaga kailangan pa naming humantong sa barangay. Pero kakainis pa rin. Kailangan ko pa talagang makiusap para maisama si pia sa pamamasyal at sa pamimili ng mga kailangan nya. Kainis.

Nasa Pangasinan daw ngayon si Pia ayon sa aking source. Pupunta ako doon. Bahala na si Batman.

3 comments:

  1. ei lo! happy paderz day po!
    mwah

    ReplyDelete
  2. hello apol!
    sana nagkita ulit kayo ni pia.

    ReplyDelete