Friday, October 20, 2006

Bagong libangan...

Dear Pia,

Pasensya na at hindi ako nakauwi ngayong linggo. Medyo busy kasi sa opisina at maraming dapat asikasuhin. Sa susunod na linggo, ay pipilitin kong puntahan ka. Sabik na rin nga akong makita ka eh. Maglalaro ulit tayo ng badminton kahit na ginagawa mo lang akong tagapulot. Promise. Habang naglalaro nga ako kagabi ng badminton, naiisip kita eh.

Alam mo ba kagabi, nakarating pa kami ng Bacoor, Cavite sa paghahanap ng badminton court. Wala kasing available na court sa Starmall sa Las Pinas, doon kami madalas maglaro. Pasado alas dose na nga ako nakarating ng bahay. Siguro mga 95 pang laro. magiging magaling na rin ako. Ngayon kasi, madalas pa ring lumabas sa court ang mga tira ko. Pero nakakapalo na rin naman ako ng malakas paminsan-minsan.

O sya, hanggang dito na lang muna. Tawagan na lang ulit kita bukas ng umaga.

Miss na kita!

Daddy Apol

No comments:

Post a Comment