Wednesday, October 18, 2006

Pyro's wish

Sa Sabado na pala gaganapin ang WWE Smackdown Survivor Series Tour sa Araneta Center. Isa sa mga wrestlers na kasama dito ay si Batista na may dugong Pinoy. Maraming umiidolo sa kanya at kasama na nga dito si Pyro.

Hind ordinaryo ang kalagayan ni Pyro ngayon. May kanser kasi sya, naoperahan na at nag chemo therapy na rin. Patuloy pa rin ang paglaban ni Pyro at hindi nawawalan ng pag-asa ang mga taong nagmamahal sa kanya. Kaya naman ganun na lang ang efforts na ginagawa ng mga taong nagmamahal sa kanya na mapagbigyan ang kahilingan nya na makita ng personal si Batista.



May sinimulang blog at email brigade upang makarating ang wish ni Pyro sa mga taong posibleng makatulong at hindi naman nagtagal ay nagbunga ito. Bagama't wala pa ring kasiguruhan hanggang ngayon kung magkakaroon nga ito ng katuparan, marami namang gumagawa na ng paraan para matupad ang wish ni Pyro.

Sana nga ay mapagbigyan ang kahilingang ito ni Pyro...

No comments:

Post a Comment