Thursday, May 24, 2007

Bologkadahan Mini EB

Matapos ang Blogkadahan EB noong Martes, parang ginanahan na ulit ako mag-blog. Mahabang panahon din ako tinamad. Bihira na rin ako mag-blog hopping.

First time ko na-meet ang kwelang si Lara Babes at ang celebrity na si Toni (Happy 4th wedding anniversary sa inyo ni Husby mo!). Hindi ako umabot sa dinner kaya saglit ko lang sila nakasama. Pero sulit na sulit sa tawanan at kwentuhan. Nakakatuwa talaga makipagkita sa mga bloggers na noon ay sa internet mo lang nakakasalamuha. Sabagay, matagal na rin naman kami magkakakilala at may nabuo na ring pagkakaibigan sa pagitan ng mga emails sa BloggingBerks. Kaya yun, kahit first na magkita, parang matagal na talaga magkakakilala.

Nandooon din sa EB ang always present sa EB na si Tito Rolly at ang mountaineer din na si Nick. Nandon din ang twin towers na sina Ajay at Mari. Syempre pa, nandoon din si kabayang Doc Emer na syang nag-organize ng event na yun. Habang nasa Starbucks nga kami ay nag-overseas call pa si Sexy Sachicko, na uuwi din sa July. Ibig sabihin nito, another EB sa July!

Nang makita ko yung mga picture ng mga kinain nila sa Manangs, bigla ako nainggit. hehe! Isang araw, susubukan ko din kumain don. Uhm... Isama ko kaya si Setsu?

5 comments:

  1. See you sa July, kabayan!

    ReplyDelete
  2. Hello Apol! Sa wakas nagkakilala na rin tayo. O, sa July naman ha? :D

    ReplyDelete
  3. Great idea! Okay yung lugar at tahimik.

    july ulit ha.

    ReplyDelete
  4. sarap naman ng pagkikita ninyo. ikain mo na lang ako preng apol sa susunod ninyong pagkikita.

    ReplyDelete
  5. kitakits ulit sa July mga Berks!

    oo nga, Batjay, sarap! kaya lang di ako umabot sa dinner. hehe! sa susunod na lang. :-)

    ReplyDelete