Wednesday, May 16, 2007

Bumoto ako!

Una muna, salamat sa mga taga Gen. Santos City dahil hindi nyo ako binigo. Mukhang mananalo ako sa pustahan dahil batay sa paunang resulta ng bilangan, mukhang matatalo si Manny. Magpapa-inom si F7. bwahaha!

Nakakalungkot yung resulta ng exit poll ng abs-cbn at pulse asia, mukhang hindi papasok ang Kabataan Party sa Party List Election at naungusan pa ng Buhay ni Bro Mike ang Bayan Muna. Pero syempre, umaasa pa rin ako na makapasok ang Kabataan Party.

Ibang klase talaga itong si Alan Cayetano. Si Chiz nga na nangunguna sa bilangan, hindi pa rin nagbibitaw ng salita na sigurado na syang panalo pero itong si Cayetano sabi kanina sa MUP, kahit daw hindi isama ang mga stray votes na "Cayetano", sigurado naman daw syang mananalo. Hindi ko sya ibinoto pero hindi naman ibig sabihin nito ay panig ako kay Mike Arroyo. The enemy of my enemy is NOT my friend. hehe!

Anim lang ang ibinoto kong Senador at gaya ng inaasahan ko, tatlo lang talaga ang may tsansang makapasok - Si Joker, Loren at Chiz. Ang tatlong kandidato ng Ang Kapatiran ay kasama sa mga ibinoto ko.

No comments:

Post a Comment