Monday, May 28, 2007

First Day High

Dear Pia,

Musta ka na? Sabi ng Mommy mo, excited ka na raw pumasok sa school. Sayang at wala ako dyan, gusto ko sanang ako ang maghatid sayo sa unang araw mo sa school. Pero ganun talaga eh, hindi lahat ng gusto natin ay pwede. Ganunpaman, maganda naman ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw at umaasa akong magiging maayos din ang lahat.

Ngayon pa lang, napapangiti na ako kapag naiisip ko kung ano magiging kilos mo sa loob ng school, kung paano ka makisalamuha sa mga kaklase mo at kung paano ka sasagot sa iyong titser. Sana naman hindi ka masyadong makulit. hehe!

Nag-post nga pala ako ng bagong picture mo sa phootoblog mo. Madami pa akong pictures na gusto i-post kaya lang di ko pa na-upload. Next time na lang. O sya. Sana ay matuloy ang pagkikita natin next week.

I love you!

Daddy Apol

No comments:

Post a Comment