Sunday, July 08, 2007

Lucky Seven

Bertday ko kahapon. Swerte daw dahil sa 07.07.07. Sana nga.

Pero kahit bertday ko, nasa trabaho ako maghapon. May konting salo-salo kami sa opisina bago mag-uwian. Tuwa naman ako sa kabigan kong si Jay at bumili ng cake para sa akin. :-)

Pagkatapos noon ay pumunta ako sa Dampa sa Macapagal Blvd kasama ang mga housemates ko. Nagpiyesta kami sa sea foods kagabi. Sayang nga lang at hindi nakasunod si Setsu. Paborito pa naman nya yung mga inorder namin - buttered shrimp, chili crabs, baked oyster, panga ng tuna na sinigang sa miso, calamares at inihaw na pusit.

Bukod doon, wala ng kakaiba pang nangyari.

Parating pa lang siguro ang swerte.

2 comments: