Monday, December 24, 2007

Si Barney, Batang Pulubi at ang ubod ng mahal na kamote


Sana araw-araw ay Pasko. Bihira kasi ang mga pagkakataong ganito na magkakasama kami. Yun yung hiling ko kay Santa Claus. Pero sabi sa akin ni Pia, hindi naman daw totoo si Sta Claus.


Enjoy na enjoy si Pia kagabi sa show ni Barney sa Araneta Coliseum. Lundag, sayaw, kanta at sigaw ang ginawa ni Pia. Maya-maya pa ay nag-aya na sa harapan ng stage at doon nagsasayaw kasama ang ibang mga bata.


Bago magsimula ang palabas, nagpabili si Pia ng french fries. Ang problema, naubusan na kami. Kaya lumabas ako at naghanap. Ubos na rin sa Wendys. May nakita akong camote chips at siya kung binili. Nagulat ako presyo -P140.00! Yun na yata ang pinakamahal na kamoteng nabili ko. grrr..



Maraming natanggap na regalo si Pia mula sa mga kamag-anak at kaibigan. Pero wala akong binalot na regalo para sa kanya. Bagkus, tinanong ko na lang si Pia kung ok lang ba na imbes na bilhan ko sya ng laruan ay bumili na lang kami ng pagkain para ibigay doon sa mga batang namamalimos na nakikita namin sa MRT station. Pumayag naman sya. Para daw hindi sila magutom. Kaya yun, isinama ko syang mamili at pinatulong ko sya sa pagbabalot. Sinulatan nya rin ng pangalan nya yung cards. Bitbit namin papuntang Araneta yung mga regalo at iniabot nga iyon ni Pia don sa ilang bata na nakita namin. Taun-taon na siguro namin iyon gagawin kapag may pagkakataon. Pero mas maigi sana kung mawawala na yung mga batang namamalimos.

2 comments:

  1. Hi Apol. Merry Christmas po. Hilig din pala ni Pia si Barney. I hired a Barney mascot for the kids' bday last Dec. 21. Wish ko naging bisita din sya. She would have loved it...(parang anlapit ko lang no...LOL)

    ReplyDelete
  2. Sayang, sana nagpadala ka invitation. hehe!

    Happy New Year!

    ReplyDelete