Thursday, January 03, 2008

Welcome 2008!

Hindi naging madalas ang pagsusulat ko sa blog ko nitong nakaraang taon. Halos hindi rin ako nakasali sa ilang rounds ng blogkadahan. Para kasi akong tinamad na di maintindihan. Ewan ko ba. Pero sisikapin kong maging aktibo ulit ngayong 2008. Susubukan ko ring buhayin yung Ala-eh Bloggers na nasimulan namin dati. Palagay ko'y marami na rin namang mga Batangenyo ang may mga blogs.

Ngayong taon din ay pipilitin kong maisingit sa schedule ang pag akyat sa Mt. Iglit Baco at pati na rin ang pamamasyal sa Pinatubo. Balak ko ring sumama sa Boracy trip sa darating na May 2008. Pero nagdadalawang isip pa ako kasi baka matuloy yung pagtitipon namin (mga tibak sa piko) sa darating na Labor Day. Isa pa, sa binabalak kong special gift kay Pia sa July, mukhang kakailanganin kong magtipid ng kaunti.

For the next two years siguro ay nandito pa rin ako sa negosyo ng bosing ko. Maganda pa rin naman ang opportunities, medyo naging tamad nga lang ako nitong nakaraang taon. Pero sa tingin ko kailangan ko na rin maghanap ng karagdagang raket. Kailangang kumayod ng doble dahil lumalaki na si Pia at lumalaki rin ang gastos. Kailangan ko na ring masimulan yung matagal ng plano.

May isa pa akong gustong gawin matagal na pero hindi ko lang talaga masimulan. Di ko rin tiyak kasi kung kaya. Pero kapag lumampas ang taong ito na di ko pa yun nagawa, malaba na nga siguro. Pipilitin kong isakatuparan yun. Gudlak sa akin...

No comments:

Post a Comment