Monday, February 04, 2008

Sitti of Love

Dear Sitti,

Pasensya na kung hanggang ngayon ay di ko pa rin tiyak kung makakapunta ako sa concert mo Huwebes. Pero maniwala ka, gustong-gusto ko sana. Paborito yata kita. Kahit itanong mo pa doon sa attendant sa Puyat Sports sa Coastal Mall, kung saan madalas ako maglaro ng bilyar tuwing Sabado ng gabi. Kapag nagawi ka doon at narinig mong pinapatugtog ang mga kanta mo, malamang nandoon ako at ako ang nag-request na patugtugin yun.

Pero balik ako doon sa concert mo. Lumalayo ako eh. hehe!

Hindi ko pa tiyak kung makakapunta ako kasi hindi pa sumasagot yung niyayaya kong manood. Kung hindi din lang naman sya ang makakasama ko, di na lang din ako pupunta. Baka kasi magalit si Pia.

Atin-atin lang to Sitti ha, ang Isa pang dahilan talaga ay kulang pa yung pambili ko ng tiket, baka kasi sa susunod na buwan pa lang ulit ako bigyan ng pera ng google. Kakaunti pa rin kasi ang kinikita ko sa text-link-ads. Pero di bale, kung hindi man ako makapunta sa Huwebes, palagay ko naman ay may mga susunod pang pagkakataon.

O sya, text na lang kita kung matutuloy ako. :-)

No comments:

Post a Comment