Tuesday, March 11, 2008

Limang Bagsak!

Galing ako kanina sa Conspiracy Bar sa Quezon City. Nakita ko pa nga ndoon si Aiza Seguerra. Pero hindi naman ako pumunta doon para makita si Aiza. hehe!

May dalawang dahilan kung bakit ako nandoon kanina

Una dahil ika-limang taong anibersaryo ng Kilometer 64, isang grupo ng mga makabayang makata.


Hindi naman ako makata pero hilig ko talagang manood ng mga pangkulturang pagtatanghal lalo pa nga at mga makabayang makata ang nga nagtatanghal.

Pangalawang dahilan ay para sa selebrasyon ng muling pagkapanalo ng SAMASA Party sa student council election sa PCU. Mahigit isang dekada na simula ng itinatag namin ito at hanggang ngayon ay nangunguna pa rin sa pagsusulong ng karapatan ng mga estudyante sa PCU. At hindi katulad ng Kampi ni Gloria at Lakas ni JDV, may malinaw itong prinsipyo at programa.



No comments:

Post a Comment