Wednesday, March 26, 2008

To Pangasinan with love

Absent ako sa opis ngayon dahil sa sipon pupunta ako sa Pangasinan mamaya. Graduation kasi ni Pia, tapos na sya sa nursery. Malapit na syang maging dentist. hehe!

Hindi pala sya ang naging first honor sa klase nila. Kaasar! Duda ko, sbaka dahil hindi sya sumali sa money contest. Oh well...

Kagabi pa sana ako bumiyahe papuntang Pangasinan kaya lang ay kailangan ko pang dumaan sa Cartimar mamaya. Nagpapabili kasi si Pia ng hamster. Nauna ko na syang ibinili ng African love birds, kaya lang ay sa di malamang dahilan ay nakalabas ng hawla. Pinakawalan daw ng pusa. Ang labo. Baka bumili ulit ako mamaya ng isang pares ulit.

Hmmmm... anong oras kaya magbubukas ang mga petshops sa Cartimar? Sana bukas na sila ng 9am...

No comments:

Post a Comment