Thursday, April 10, 2008

Tuloy na tuloy na kami ni Pia sa Dora the Explorer Live!

Dahil nakapagbenta ako ng tatlong kapitbahay kanina, nakadelihensya ako ng pambili ng tiket namin ni Pia para sa Dora the Explorer Live! At kanina nga ay pumunta ako sa Mall of Asia para bayaran na yung pina-reserve kong tiket. Malaki ang atraso ko kaya Pia kaya kahit sa maliliit na bagay man lang ay pinipilit kong makabawi. Yun nga lang, gustuhhin ko man ay di ko pa rin maibigay sa kanya yung isang bagay na gustong-gusto nya. Sana dumating pa ang panahon na yun, pero kung di man mangyari yun, babawi na lang ako sa ibang bagay.

Uhmm.. lumalayo ako.

Katas ng blogging ang pinambili ko ng tiket. Yes, I'm making money online! Di naman kalakihan gaya ng komisyon ni Abalos at ng kickback sa fertilizer fund ni Arroyo, pero malaking tulong na rin ito sa gaya kong isang kahig isang tuka.

Noong isang linggo, nag-transfer ako ng pera mula sa paypal account ko papunta sa peso savings account ko. Inabot din ng limang araw bago na-credit sa account ko pero ok lang din. Ang mahalaga ay hindi nawala yung pera ko. hehe!

April 18 kami manonood, first day of showing! Yey!

No comments:

Post a Comment