Tuesday, July 08, 2008

Inside every older person is a younger person wondering what happened

Officially, wala na ang edad ko sa kalendaryo simula kahapon. Pero looking at the brighter side of it, pasok pa naman ako sa mga numero sa lotto. Hmmm... ang tanda ko na. hehe!

Ispesyal na araw ko kahapon kaya naman ispesyal din ang kasama ko maghapon. Alas singko ng madaling araw ay sakay na ako ng bus papuntang Pangasinan.

Pia the great, pikit!



Obyus ba na may kalokohan din sa katawan si Pia? hehe! Kapag tinatanong mo nga sya kung ano ang ginawa nya sa school, ang sagot nya muna ay "SIKRETO!". Ewan ko kung kanino nya nakuha. Pero konting lambing lang naman ay magkukwneto na rin sya.

Inulit ko ang pagkuha ng picture naming dalawa, sinabihan kong huwag pumikit at umayos ng kaunti.



Kaya naman ayan, dilat na dilat sya at nakadila pa. Tapos tawa sya ng tawa sa hitsura nya. hehe!

Hindi na kami namasyal ni Pia kahapon dahil gahol sa oras at pareho pa kaming may pasok kinabukasan. Pagkagaling sa school ay nagpa take out na lang sya ng pagkain sa Jollibee. Pagkatapos kumain at matapos gawin ang assignment sa school ay naglaro at nagkulitan na lang kaming mag-ama. Alas singko ng hapon ay sakay na ako ng bus pabalik ng Manila.

At doon natapos ang ispesyal na araw ko kahapon. 10 oras na biyahe para lang makasama si Pia ng ilang oras. Habang nasa biyahe nga, naisip kong marami rin pala akong sinayang na pagkakataon sa nagdaang mga taon. Ganunpaman, punong-puno naman ako ng pag-asa sa hinaharap. Sabi nga nila, the best is yet to come...

Sya nga pala, salamat kay Ate Jet sa padala nyang e-card mula sa bluemountain. Touched naman ako don. :-)

Ganundin kay Niko na gumawa ng top 10 wala ka sa lolo ko list. Naaliw ako don. hehe!

Sa mga kaibigang nag-text, ym,at nag-email.. maraming salamat po sa inyo!

6 comments:

  1. belated happy birthday, kabayan! balita ko, matinik daw sa chicks kapag ipinanganak ka sa month ng july. totoo ga nga?

    i can see how happy both you and pia were during your special day.

    =)

    ReplyDelete
  2. haha! ang cute ni Pia, kulit :)

    Happy Birthday ulit!

    ReplyDelete
  3. may pinagmanahan. :D

    belated, kafatid!

    ReplyDelete
  4. b'lated pibertdei, at sana nga the best is yet to come! yesss

    ReplyDelete
  5. Salamat, salamat!

    The best is yet to come! YES! :-)

    Doc E, di yata totoo yun. hehe!

    ReplyDelete
  6. ey apol nood ka sana magustuhan mo? http://video.google.com/videoplay?docid=-1817848131611744924

    ReplyDelete