Tuesday, March 01, 2016

I'm back!

Kahit yata sumigaw ako dito ng tatlong taon, wala makakarinig. Wala na siguro nagbabasa ng blog ko. hehe!

3 years na pala ako walang entry sa blog ko na ito.  Medyo tinamad na kasi ako. Hindi na rin kasi malinaw sa akin kung para saan ang blog na ito.  Tumigil ako mag blog noong naging talamak na ang monetizing ng mga blogs.  Ang totoo, isa ako doon sa mga sumubok na pagkakitaan ang blog.  Pero hindi ko na nasabayan at hanggang sa nawalan na ako ng gana.  Hanggang ngayon naman ay may mga blogs pa ako nakhit paano ay kumikita.  Pero mas gusto ko pa rin yung nag-uumpisa pa lang ang mga blogs.  Iba yung atmosphere.  

Ngayon ko lang din nakita yung mga comments. Nakakatawa nga kasi ang dami pa ring nagsusumbong sa Meralco Customer Service post ko.  May kuryente na kaya sila? :-)

Hmm... dito na lang muna. 


No comments:

Post a Comment