Tuesday, September 13, 2016

Saved by the dash cam

Pauwi ako kagabi galing Mall of Asaia, pinara ako ng Pasay Traffic Enforcer makalampas ng stop light sa Macapagal Blvd.  Beating the red light daw ako.

Pero dahil may dashboard camera ako, nagpaliwanag ako sa traffic enforcer at ika ko'y pwede nya tingnan ang video.


Tinakot pa ako ng enforcer na kapag daw nakita sa video na may violation ako, reckless driving iti-ticket sa akin.  Walang problema, sabi ko.

Tumabi ako at inihandang ipakita ang video. Pero nainip yata si Manong kaya huwag na lang daw.

Saved by the dash cam! Anong dashboard camera ang gamit mo?  Yung dash cam na gamit ko ay nabili ko lang online sa Lazada. Less than P2,000 lang kasama na ang 32gig na memory card. Ok naman so far.  

No comments:

Post a Comment